Rhian, Jason bigay na bigay sa halikan kahit may mga dyowa na

NAKAKASELOS naman ang sagpangan nina Rhian Ramos at Jason Abalos sa nakaraang episode ng GMA series na The One That Got Away! Feel na feel nilang dalawa ang lip service nila sa isa’t isa lalo na’t buking nang nagkakagustuhan sila.

Kapwa in a relationship sina Rhian at Jason – isang car racer ang BF ni Rhian habang ang aspiring beauty queen naman na si Vicki Rushton ang GF ni Jason.

Eh, sa nasabing GM series, maharot ang character ni Rhian habang si Jason naman ay “camp sawi” sa ina ng kanyang anak.

In fairness, swak na swak naman ang chemistry nila lalo na para silang kape’t gatas pagdating sa kulay ng balat, huh!

Read more...