Anak ni Janice nag-2-piece bikini, male netizens tulo-laway


PALUNG-PALO ang pasiklab sa beach ni Kaila Estrada, anak nina John Estrada at Janice de Belen, sa summer photos niya habang nasa El Nido, Palawan.

Inilabas ni Kaila ang ilang kuha niya kung saan walang hiya-hiya siyang nag-two-piece bikini, huh! Feeling nga niya sa kanyang Instagram, isa siyang island girl! Aprubado naman sa netizens ang pagbibilad niya ng katawan.

Eh, nang lumabas ang fotos ng kapatid na si Inah de Belen na naka-swimsuit din, mas marami ang umaray kesa sumakay, huh!

Aba, sa bikini bod ni Kaila, hindi lang si Inah ang dapat na mainsekyur kungdi maging si Karla Estrada lalo na’t sound alike ang kanilang pangalan.

Read more...