Ryza ka-join agad sa serye nina Angel, Janice at Maria


NAPAKASWERTE naman ni Ryza Cenon dahil paglipat pa lang niya sa ABS-CBN ay makakasama na agad siya sa bagong Kapamilya series na The General’s Daughter mula rin sa Dreamscape.

Dito makakasama niya ang mga award-winning actress na sina Angel Locsin, Eula Valdes, Janice de Belen at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Wala pang masyadong detalyeng ibinigay ang Dreamscape Entertainment tungkol sa proyektong ito pero ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ito.

Read more...