Mapanganib na init simula na – Pagasa

SINABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na nagsimula na ang mapanganib na init ngayong summer kung saan umabot sa 41 degrees Celsius ang “heat index” o “init factor” sa maraming bahagi ng bansa ngayong linggo.

Ang “init factor” ay ang temperaturang nararamdaman ng mga tao, kumpara sa temperaturang nakukuha ng thermometer. Tumataas ang heat index dahil sa taas ng temperatura at ang alinsangan na nararamdaman.

Base sa datos mula sa Pagasa, ganap na alas-2 ng hapon ngayong araw,  11 mga lugar ang nakaranas ng 41 degrees Celsius o mas mataas pa, kung saan nakapagtala ang station sa Dagupan City, Pangasinan ng 45.2 degrees Celsius at air temperature na 34.9 degrees Celsius.

Nagbabala ang Pagasa mapanganib na ang heat index kapag ito ay umabot na ng 41°C hanggang 54°C,  kung saan maaari na itong magresulta sa heat cramps at heat exhaustion likely, at posibleng mauwi sa heat stroke kung tuloy-tuloy ang aktibidad sa ilalim ng araw.

“A heat index above 54°C is extremely dangerous, with heat stroke imminent,” ayon pa sa Pagasa.

Kabilang sa mga nakaranas ng mapanganib na heat index ngayong araw ay Ambulong, Batangas; Cabanatuan, Nueva Ecija; Casiguran, Aurora; Subic Bay, Olongapo; Cuyo, Palawan; Dauis, Bohol; San Jose, Occidental Mindoro,; Sangley Point, Cavite; Tuguegarao city, Cagayan; at sa Zamboanga City.

 

Read more...