Pinto ng MRT nasira, 1K pasahero pinababa

Pinababa ang may 1,000 pasahero ng Metro Rail Transit 3 kaninang umaga matapos masira ang pintuan ng sinasakyan nilang tren.

Ayon sa advisory ng Department of Transportation-MRT3, nasira ang tren alas-8:01 ng umaga. Pinababa ang mga pasahero ng tren sa Santolan-Annapolis station.

Sumakay ang mga pinababang pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang apat na minuto.
Isa sa mga nagiging sanhi ng pagkasira ng pintuan ang pagsandal nito at pagpilit na magsara o magbukas.

Nanawagan ang pamunuan ng MRT 3 na iwasan ang pagsandal sa pintuan at puwersahang pagbubukas at pagsasara nito.

Read more...