Yayamaning female celebrity, magaling na aktor nahuling nagse-sex sa bodega

SA isang umpukan ng mga taga-showbiz ay napagtuunan ng atensiyon ng mga nandu’n ang dalawang kilalang personalidad. Ang isa ay babaeng maganda, maraming alam sa buhay, kinaiinggitan ng iba niyang mga kasamahan at mula sa isang yayamaning pamiilya.

Ang male personality naman ay mula sa malaking pamilya ng mga artista, mahusay umarte, maraming pinagdaanang bisyo sa buhay na mukhang naiwasan na nito ngayon.

Apat sa magkakaumpukan ang may alam tungkol sa isang karanasang hindi kalimut-limot tungkol sa dalawang personalidad. Nagkasama nu’n sa isang serye ang lalaki at babaeng personalidad.

Kuwento ng isang miron sa grupo, “Kapag nagkikita kaya sila, e, hindi nila matingnan ang bawat isa?

‘Yung nangyari kaya sa kanila nu’n, e, hindi bumabalik sa isip nila kapag nagkakaharap sila?

“Grabe ‘yun, ha? Ano ‘yun, trip-trip lang? Nu’ng mag-break sila, umakyat ang dalawa sa bodega ng mga props ng network, du’n sila bumiyahe papunta sa langit.

“E, kinailangang kumuha ng props ang mga tauhan ng isang show, may narinig silang mga halinghing, nandu’n pala ang dalawa at gumagawa ng milagro nang nakatayo sila.

“Kitang-kita siyempre sila ng mga props men na hindi nila alam ang gagawin kung tatakbo ba sila palayo o panonoorin nila ang naglalagablab na eksenang nakita nila!

“Mismo! Nasa kaitaasan na kasi ang eksena, malapit nang pumutok ang bulkan, kaya siguro hindi na sila napansin ng guy na mukhang gigil na gigil na. Nakakaloka! Ni hindi man lang sila nag-hotel, hindi na siguro nila napigil ang init ng mga katawan nila!” kuwento ng miron sa grupo.

Pero ang mas ikinaloka ng mga nakahuli sa dalawang personalidad na gumagawa ng milagro sa rooftop ng network ay ang hindi man lang nila pagpapansinan nu’ng nasa studio na sila.

“Hindi sila nagpapansinan, deadma lang sila sa isa’t isa, kaya ano ‘yun? Basta nagpaalpas lang sila ng init ng mga katawan nila? Nasaan ang puso sa naganap sa kanilang dalawa?” tanong ng miron.

Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ang dali-daling hulaan ng mga bumibida sa kuwentong ito!

Read more...