Si Domingo delos Santos, 30, ang ikatlong preso na namatay sa loob ng selda mula noong Pebrero.
Ayon kay Chief Insp. Rogelio Hernandez, ng Pasay City Police, nag-ingay ang mga preso alas-10:30 ng gabi kahapon upang kunin ang atensyon ng mga bantay matapos na mawalan ng malay-tao ang kanilang mga kasamahan.
May 143 preso sa male detention cell ng Station Investigation and Detective Management Branch. May sukat itong 22.8 metro kuwadrado na para lamang sa 40 preso.
Dinala ng rescue team ng lokal na pamahalaan ang mga preso sa Pasay City General Hospital. Si delos Santos ay idineklarang dead on arrival alas-11:15 ng gabi.
Tatlong linggo ng nakakulong si delos Santos na hinuli dahil sa ipinagbabawal na gamot. Nabatid na hinimatay na siya noong umaga subalit nagising din.
Ibinalik naman kahapon ang limang preso pero nanatili sa ospital si Eric de Leon.
Upang mabawasan ang siksikan, inilipat mula ang 14 na babaeng preso sa opisina ng mga imbestigador at ipinagamit ang female detention cell sa mga lalaki.
Upang mabawasan ang siksikan, inilipat mula ang 14 na babaeng preso sa opisina ng mga imbestigador at ipinagamit ang female detention cell sa mga lalaki.
Mayroon na ring umiikot na medic sa mga kulungan kada dalawang oras.
MOST READ
LATEST STORIES