Sa Camp Crame pumunta ang retiradong pulis na si Wenceslao ‘Wally’ Sombrero kaninang umaga. Sumuko siya kay incoming PNP Chief Oscar Albayalde, kasalukuyang direktor ng National Capital Region Police Office
Sinabi ni Sombrero na kumpiyansa siya na mabibigyan ng proteksyon ng PNP lalo at dati siyang pulis.
Wala umanong kondisyon na hiningi si Sombrero at ang korte ang magdedesisyon kung saan ikukulong ang akusado.
Hindi umano kakilala ni Albayalde si Sombrero kundi dalawang dating opisyal ng PNP ang nakipag-ugnayan sa kanya para sa gagawing pagsuko ng akusado.
Matapos ang booking process ay dinala na si Sombrero sa Sandiganbayan kung saan diringin ang kanyang kaso.
Noong Martes ay nagpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Sixth Division kaugnay ng kasong plunder, isang non-bailable offense, na isinampa ng Ombudsman.
Si Sombrero ay dating pangulo ng Asian Gaming Service Provider Association Inc., na pinagdala ng P50 milyong suhol kina dating BI deputy commissioner Al Argosino at Michael Robles para sa pagpapalaya ng mahigit 1,300 Chinese national na ilegal na nagtatrabaho sa Fontana Leisure Park and Casino.
Pumunta umano si Aguirre sa pagpupulong para sa pagpapalabas sa mga illegal workers sa City of Dreams Manila sa Paranaque City noong Nobyembre 26, 2016.
MOST READ
LATEST STORIES