“In the interest of all TNVS [transport network vehicle services] and the riding public, we are giving you until April 15 to exist as a TNC. On April 16, you will cease and desist to exist as a TNC,” sabi ni LTFRB board member Aileen Lizada matapos ang special board meeting.
Ipinalabas ng LTFRB ang kautusan apat na araw matapos ipag-utos ng PCC sa Uber at Grab na ituloy ang hiwalay na operasyon habang nirerepaso ang nangyaring bentahan, na nagresulta para ibenta ng una sa huli ang 27.5 porsiyentong bahagi nito.
Sa nangyaring pagdinig, sinabi ng abogado ng Uber Philippines na si Joseph Omar Castillo na imbes na iurong mga petisyon nito para sa taas pasahe at muling akreditasyon bilang TNC, hindi ito natuloy dahil sa kautusan ng PCC.
Nauna nang sinabi ni Grab Philippines country head Brian Cu na pinalawig ang operasyon ng Uber app hanggang Abril 15 bilang pagsunod sa kautusan ng PCC.
Inaasahan namang tatagal ang pagrerepaso ng PCC ng anim na buwan.
“The soonest possible time that you [Uber] will be able to resolve your concerns with PCC, the better,” ayon pa kay Lizada.
Kasabay nito, inatasan ng LTFRB ang Grab to “immediately lower its surge pricing cap from twice the rate to just 1.5″, habang nirerepaso nito ang aplikasyon ng bagong mga TNCs na papalit sa Uber.
“This is to ensure that the fare will be at a rate that is conducive and acceptable to the existing number of TNVS that are transferring to Grab,” sabi ni Lizada.
Sa mga nakalipas na araw, nagrereklamo ang mga pasahero sa napakataas na sinisingil ng Grab mula nang mawala ang Uber.