Binoe hinangaan sa pagdadala ng pink baby bag! Astig ni idol!


MARAMI ang na-cute-an sa eksena ng mag-amang Robin Padilla and daughter Isabella.

Mariel Rodriguez-Padilla posted some photos of the mag-ama nang ihatid ni Isabelle ang father niyang si Robin sa taping nito.

“Someone brought Daddy to work today” and “Her very first dressing room experience.”
“Halika Anak maglakad ka sa kalsada. – Daddy @robinhoodpadilla.”

‘Yan ang mga captions ni Mariel sa photos niya where one showed Isabelle waving at ABS-CBN workers in one photo and another photo showed her walking sa bangketa with his father.

“Cute ng mag-ama! I want to hear her talk kasi I’m sure she knows how to speak Tagalog also. Ibang bata dito sa IG puro English ang tinuturo.”

“Kahit gano pa ka astig ang isang Robin Padilla, magbibitbit sya ng pink little girl’s bag para sa baby nya. So lovely.”

“Yan ang astig na daddy nag bitbit ng pink bag ng kanyang baby girl. Cute nila as in they are look so simple. Nakakatuwa.”

‘Yan ang comments ng netizens sa IG photos ni Mariel.

Incidentally, very protective rin ang Leo Tabayoyong character ni Robin sa Sana Dalawa Ang Puso.

Naloka ang syndicate boss sa hanash ni Leo tungkol sa balak na paglalaro nit okay Lisa (Jodi Sta. Maria).

Ipakikilala sana si Leo kay Lisa pero lahat ng paraan ay ginawa ng una para hindi ito matloy dahil mabubuking ang kanyang mission.

Read more...