Kris apektado sa pag-alis ng ’favorite’ staff sa Team KCA

KRIS AQUINO

NALULUNGKOT si Kris Aquino dahil paalis na ng bansa ang business manager ng KCA Team na si Gianni Jasper Dazo o Ian para mag-migrate sa Canada dahil aprubado na ang kanyang working visa at residency.

Matagal nang inuungot ito ni Kris, malaking kawalan daw sa KCA Team kapag umalis na si Ian at aminado rin siyang paborito niya ang binata.

Narito ang kabuuan ng caption ni Kris sa litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya ang buong staff ng KCA Team: “This was our despedida early dinner last night, woke up w/ a little bit of a. Today is IAN’s last day, we have an endorsement print shoot after lunch (he’s the 1 beside Bimb holding the card).

“We leave tomorrow for my endorsement shoot in (Japan flag). Ian leaves Thursday for (Canada flag). I salute his selfless love for family for doing this (I’m understanding now the Canadian permanent residency application that’s based on merit & a specific points system…) He was KCAP’s business development manager & closed so many of those branded partnership webisodes we’ve uploaded.

“I know, I shouldn’t play favorites, but he’s mine because he is smart (Double Major, Business & Accountancy, UP Cum Laude, CPA), efficient, has great people skills, organized, and above all else caring & calming @ianldazo I’m going to miss you like crazy. Thank you for believing in my dreams & helping make the vision a reality. P.S. You know you can always come back after 6 months, right? I’m holding a place for you.”

Sa sandaling pagkakakilala namin kay Ian ay nakita namin kung gaano siya kamarespetong tao at alam niya kung saan siya nakapuwesto. Kapag nga may kausap si Kris ay nakikinig lang siya sa isang tabi at hindi magsasalita kung hindi tinatanong.

May mga kilala kasi kaming staff ng mga artista na maski hindi naman kailangan ang opinyon nila ay mahilig silang bumangka nang bumangka.

Anyway, nag-post din si Kris ng video sa IG kung saan makikita ang logo ng Star Cinema at pakiwari namin ay isa sa mga araw na ito ay gigiling na ang kamera para sa bago niyang pelikula pero hindi pa rin siya nagbibigay ng detalye.

Ayon kay Kris, “As much as I’m able to share the process w/ you, I’ll give a glimpse. I need to return this viewing copy tomorrow & I’m grateful for the respect being accorded to me & my team during our discernment.

“I felt it was important to watch as much as I could of the hits of 2017 that @starcinema produced. Medyo comedy because we don’t have a dvd player anymore & @jacksalvador had to find a player w/ hdmi port because our smart TVs no longer have the built-in dvd connectors.Please pray w/ me to see clearly God’s path for me?”

Umalis na si Kris patungong Japan para sa isang endorsement shoot, sa Sabado na ang balik niya sa Pilipinas maliban na lang kung mag-extend pa siya roon ng ilang araw.

Read more...