TWO of the most cyber (or hyper?) – active celebrities ay sina Sharon Cuneta at Kris Aquino, probably the third one is way down the list.
There lies a yawning disparity though between Sharon and Kris when it comes to their “dependence” on socmed.
Kung ma-emote si Sharon ng mga ganap sa kanyang supposedly domestic goings-on, Kris is a proud host ng mga kung anik-anik na kababawan in her household. Both, however, let us in sa kanilang pribadong teritoryo. An encroachment with consent, ‘ika nga.
Pansin lang namin ang pagkakapareho nina Sharon at Kris as regards their career direction. Kapwa nila ina-update ang kanilang mga followers what to await in the coming days or so.
‘Yun nga lang, tila pagdating kay Sharon, there exists no “gag order.” Malayang naibabalita ng Megastar ang pakikipag-meeting niya with the higher-ups believed to be on an important project with ABS-CBN.
In stark contrast ito sa tila kawalan ng freedom ni Kris in making or even hinting at a possible work assignment with Star Cinema. But gagging Kris’ mouth (knowing her!) is like depriving her food to eat.
Hindi mabubuhay si Kris nang hindi umaandar ang kanyang bibig, kahit dapat sana’y may strict confidentiality ang kanyang mga business transactions.
Kris is the type who preempts herself.
Pero bakit nga ba tila mas nae-enjoy ni Sharon ang blessings from ABS-CBN when in recent past ay nag-post pa siya ng kanyang umano’y tampo for the “shabby” treatment accorded to her show vis a vis ‘yung ibinigay sa tambalang KathNiel?
The fact that Sharon apologized to the bosses only meant na aware siya sa kanyang sarili that her strongly worded post ay nakapanakit nang bahagya.
Again, malayung-malayo sa mga posts ni Kris, herself the unanimous choice for Miss Congeniality toward the network’s top honchos na bawal itsika ang kanyang mga aabangang project with its film arm.
So, while they share common cyber traits ay magkaiba naman ang batas na sumasaklaw kina Sharon at Kris?