PNoy tiniyak na haharapin ang kaso laban sa kanya kaugnay ng Dengvaxia

TINIYAK ng kampo ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na nakahanda siyang harapin ang kaso laban sa kanya kaugnay ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.
Sinabi ng tagapagsalita ni Aquino na si  Atty. Abigail Valte na nauna nang sinabi ni Aquino na sasagutin ang lahat ng mga ibinabato laban sa kanya hinggil sa isyu.
“Former President Aquino has always demonstrated his readiness to answer questions about his decisions as president. His consistent participation in legislative investigations and other venues shows this. He will continue to face whatever additional complaints are filed in connection with this matter,” sabi ni Valte.
Sa draft report ng Senado, pinapakasuhan si Aquino kasama ang iba pang dating opisyal ng kanyang administrasyon matapos ipatupad ang Dengvaxia program sa ilalim ng kanyang pamamamahala.

Read more...