Horoscope, April 11, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Sa darating na Mayo aaniin mo na ang lahat ng magaandang kapalaran ipinunla mo – suwerte sa salapi at pag-ibig ang ipagkakaloob sa iyo n langit. Humada ka, sa tabing dagat mainit na romansa ang mararanasan. At habang magulo ang lagay ng panahon, iinit-lalamig, patuloy ding darating ang malalaking halaga ng salapi. Mapalad ang 2, 11, 25, 33, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Pink at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Lumayo sa mga taong malas, mahahawahan ka lang nila. Kumapit sa mga taong maraming salapi, dadami rin ang iyong pera. Sa pag-ibig, wag kukuha ng kasuyo na may history ng broken relationship, magkakahiwalay din kayo. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Silver at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Walang kaabog-abog bigla mapapasaiyo ang magandang kapalaran. Pera at masayang pag-ibig ang magkasabay na darating. Ganon paman, laging may naka-ambang tukso, mag ingat na mahulog sa immoral na relasyon. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yama-Yasoda-Om.” Lilac at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan, may babala na maloloko ka na naman! Sa pinansyal at pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan – ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 6, 9, 18, 22, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Nama-Om.” Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Pagmalasakitan ang mga kadugo at kamag-anak, dahil sa bandang huli sila rin ang tutulong sa ‘yo. Sa pag-ibig, ibahagi sa lahat ang iyong pagkalinga, upang mas madali kang yumaman at lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at peach ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Ngayon mo pairalin ang iyong madiskarte, dahil ayoa sa mga bituin angat ang kinikita sa pamamagitan ng diplomasya at pagiging mahinahon. Sa pag-ibig, lalong sumarap ang relasyon yayain munang kumain ng halo-halo ang kasuyo at saka kayo mag-swimming. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Naranda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wag magtanga-tangahan, matalino ka naman pero bakit ba hindi mo paunlarin ang inyong buhay? Mula ngayon, puro pera ang isa isip, makikita mo paglipas ng limang na taon, mayamang-mayaman ka na. Mapalad ang 8, 17, 24, 33, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Harum-Harim-Aum.” Blue at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Tuloy-tuloy ang suwerte at dating ng maraming pera, habang kasabay nito may babala ang karamdaman. Mas mainam kung aalagaan mo rin ang iyong sarili habang ikaw ay nagpapayaman, dahil sa bandang huli aanhin mo nga ba ang maraming salapi kung may sakit ka naman? Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyo kapag may taym magpasarap mamasyal at magpasarap muna. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Yama.” Beige at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pinansyal at pag-ibig, habang sunod lang ng sunod sa iyo ag kasuyo at hindi siya komokontra, tuloy-tuloy kayong uunlad at yayaman. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om-Nameh” Lilac at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ganyan talaga ang kapalaran mo, madali kang uunlad at aasenso sa buhay, pero may mga tao talagang lihim na maiinggit sa ‘yo. Wag mo silang pansinin, dahil nakatakda na ang magaganap, iiwan mo sila ng milya-milya at hindi na sila makakahabol sa sorbang taas ng tagumpay at pagyaman na iyong maaabot. Mapalad ang 4, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dosya-Om.” Yellow at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—May magandang kapalarang darating kung ang araw na ito ay sasalubungin ng may ngiti at galak sa iyong puso. Batiiin ng buong galak ang mga nakatataas sa ‘yo upang umentuhan ka nila ng dagdag na suweldo. Mapalad ang 5, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa kalagitnaan ng buwang ng Abril hanggang sa katapusan ng Mayo, darating na ang suwerte mo sa pag-ibig at sa salapi. Kapag naging masagana ang buhay magtipid upang hindi mawaldas ang pinaghirapan. Wag mo ring pakawalan ang isang Virgo, yapusin mo siya ng todo-todo. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yoti-Bhama-Om!” Gold at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Wag mangako kung hindi naman kayang tuparin! Lumalabas kasing nagmamayabang ka lang. Sa pag-ibig at pinansyal, panatiliin ang pagpapakumbaba, upang mas madali umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Bhakti-Yoga-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Read more...