Maarteng young female star marunong nang magpakatotoo sa usaping lovelife


MABUTI naman at umaamin na ngayon ang isang young actress tungkol sa kanyang pakikipagrelasyon.

Umaamin na siya, nagbibigay pa ng mga detalye kung gaano niya kamahal ang kanyang boyfriend, hindi tulad nu’n na talagang reyna siya ng pagdedenay.

Nakarelasyon ng young actress na ito ang isang bagitong young actor, madalas silang magkasama, naipakilala na nga siya ng bagets sa pamilya nito.

Maganda ang takbo ng kanilang relasyon, pinapayagan ng kanyang pamilya ang girl na sumama sa kanyang boyfriend, kaya nawindang ang pamilya ng young actor kung bakit bigla itong idinenay ng young actress.

Kuwento ng aming source, “Lukring din ang babaeng ‘yun! Imagine, matagal din silang naging mag-boyfriend ni ___ (pangalan ng young actor na mula sa isang sikat na pamilya ng mga artista-pulitiko), pero nakaya pa niyang idenay ‘yun?

“Nasaktan siyempre ang guy, ano nga naman ang nangyari at basta na lang tinalikuran ng babae ang relasyon nila, sumama ang loob ng mommy ng guy sa girl.

“Kung bakit siya nagdenay, e, walang nakakaalam. Basta na lang inetsa-puwera na niya ang bagets, walang ibinigay na reason ang girl, basta lang!” napapailing na kuwento ng aming source.

Maraming nagulat sa pagdedenay ng young actress, pati ang mga kaibigan niya na alam na alam ang totoo tungkol sa kanila ng bagitong aktor nagulantang din sa pagdedenay niya.

“Pero ngayon, proud na proud na siya sa boyfriend niya, palibhasa, sumisikat na ‘yung young actor, saka saganang-sagana sa mga praises dahil magaling siyang umarte. Hindi na niya idedenay si ____ (pangalan ng young actor na hayup kung umarte) ngayon.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Nakaya niyang idenay ang young actor na maliwanag pa sa sikat ng araw na karelasyon niya naman talaga. Nagpupunta na nga siya sa bedroom ng guy, kinaya pa niyang idenay?

“Huwag sanang maumay sa kaartehan niya ang young actor na karelasyon niya ngayon dahil baka hampasin na lang siya ng bareta! Mismo!” naiinis pang kuwento ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong getlak n’yo na kung sino ang temaarts na young actress na ito. Hindi siya good girl.

Read more...