Dyowang Italian ni James Yap buntis na uli


EXCITED at masayang ibinalita ng basketball player na si James Yap na buntis na uli ang kanyang Italian partner na si Michela Cazzola.

Ibinahagi ng cager ang good news sa kanyang Instagram account kasama ang photo nila ni Michele kung saan kitang-kita na ang malaking tiyan nito. Nilagyan niya ito ng caption na, “Growing family!”

Noong nakaraang buwan ay napansin ng ng mga netizen ang umbok sa tiyan ni Michela base na rin sa mga litratong ipino-post nito sa kanyang IG account. Pero kamakalawa lang kinumpirma ni James ang magandang balita.

Noong 2016 ipinanganak ni Michela ang panganay nila ni James na na si MJ.

Read more...