KUNG natuloy ang isinagawang CT-scan kay Vice Ganda kahapon, inaasahang may ibibigay na siyang update tungkol sa naging resulta nito anytime soon.
Sa nakaraang episode ng It’s Showtime, nagbigay ng update ang Unkabogable Star tungkol sa kundisyon ng kanyang kalusugan matapos tanggalin ang bato sa kanyang kidney.
“May CT-Scan ako, sana ipag-pray niyo ako para okay na ako, hindi kasi ako makagalaw,” ang pahayag ni Vice. Aniya, apektado na ang kanyang trabaho dahil sa kanyang sakit.
“Gusto kong sumayaw, gusto kong harutin si Vhong (Navarro), gusto ko makipagtulakan kay Anne (Curtis), gusto kong makipaglandian sa inyong lahat dahil sa kalagitnaan ng tawa ko may nararamdaman ako, bumabagsak ang ngiti ko, naaapektuhan ang trabaho ko,” dugtong pa ng TV host-comedian.
“As you mature, may naiisip ka ng social responsibility kumbaga. Sabi ko kung babawasan ko ‘yung araw na nagpapatawa ako sa TV, paano ‘yung mga taong mas mabigat ang pinagdadanan sa akin at hinahanap nila ako para tumawa.
“So sabi ko ‘yun na lang, patawa na lang ako. Sana i-bless ng Diyos ang intention ko na kaya ako nagpapakapagod kasi gusto ko lang magpatawa ng mga taong malulungkot lalo na sa Pilipinas,” litanya pa ng TV host-comedian.
Hiling pa ni Vice, sana’y patuloy daw siyang ipagdasal ng lahat ng taong nagmamahal sa kanya. Aniya pa, “Sana minsan try to understand, baka akala umaarte ako hindi ako sumasama sa opening, hindi po. Nahihirapan po ako.”
Dugtong pa niya, “Pero as much as I can, I will continue to make you (all) happy, I will continue to make you laugh, I will make you smile at kahit waley na pipilitin natin maging havey.”
Marami naman ang naka-relate sa hugot ni Vice noong Lunes, aniya, “Kaya ngayon Araw ng Kagitingan, magiting nating tanggapin ang katotohan na may mga bagay na hindi natin makukuha sa buhay. Sa lahat ng mga single, magiting nating tanggapin na tayo ay mag-isa, pero ang buhay ay nananatiling masaya.”
q q q
Simula Abril 11, mapapanood na ang Bride of the Water God sa GMA The Heart of Asia kung saan bibida si Nam Joo Hyuk bilang Habaek, isang Water God na pupunta sa mundo ng mga tao para sa isang misyon.
Para maging ganap na hari, hahanapin ni Habaek ang mga mahihiwagang bato na makatutulong sa kanyang misyon at kakailanganin niya ang tagapaglingkod niyang si Lara (Shin Se Kyung) para rito. Si Lara ay isang neuropsychiatrist na takot sa tubig at hindi naniniwala sa kahit anong supernatural.
Sa paghahanap niya sa mga bato ay papasok sa eksena si Henry (Lim Ju Hwan) isang CEO na interesado kay Lara. Bubuntot naman kay Habaek ay ang long-time admirer niyang si Moora/Ciara (Krystal Jung), isang Water Goddess na sa sobrang ganda ay naging sikat na artista sa mundo ng tao.
Sundan ang kanilang kwento sa Bride of the Water God tuwing Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng The One That Got Away sa GMA.