Robin, Angelica, Empoy, Sam gagawa ng animated movie

MAGSASAMA-SAMA sa isang animated movie sina Angelica Panganiban, Sam Milby at Empoy Marquez.

But this time, hindi sila aarte sa mga eksena kundi gagamitin ang kanilang mga boses para sa mga bibidang karakter sa nasabing pelikula.

Ito’y ipo-produce ng Spring Films, ang production na naghatid din sa atin ng mga blockbuster movies na “Kita Kita” at “Meet Me In St. Gallen”.

Sa Instagram fan account ni Angelica (@gelina0531) makikita ang photo nina Angelica, Sam at Empoy na kuha raw pagkatapos ng unang dubbing session nila para sa nabanggit ng animated film. Nabatid na maririnig din daw sa animated movie ang boses ni Robin Padilla.

Read more...