Bumibiyaheng tren ng MRT umakyat sa 16

Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga tren ng Metro Rail Transit 3 na bumibiyahe ngayong araw.
    Sa ipinalabas na advisory ng Department of Transportation-MRT3, alas-8 ng umaga ng bumiyahe ang ika-16 na tren ng MRT.
    “Good news: We’re now running 16 trains at morning peak hours,” saad ng advisory na ipinalabas ni Aly Narvaez, media relations officer ng MRT 3.
    Dahil dito tuwing lima at kalahating minuto ay mayroong dumarating na tren sa mga istasyon dahilan upang hindi maging siksikan ang mga pasahero.
    Patuloy ang pagkumpuni na ginagawa ng MRT3 sa iba pa nitong tren para mas marami ang makabiyahe.
    Sinusuri rin ang mga Dalian train na binili ng nakaraang administrasyon upang malaman kung maaari itong magamit.

Read more...