Horoscope, April 10, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Sa ayaw at sa gusto mo pagpapalain ka ng langit sa araw na ito kaya isa-isa ng matutupad ang mga pangarap mo. Ngunit may kundisyon, ang kundisyon ay lagi kang magpasalamat sa nasa itaas, upang patuloy ka pang pagkaloob ng suwerte at magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, tuloy ang ligaya sa piling ng isang taong isinilang sa zodiac sign na Sagittarius, Mapalad ang 1, 10, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ang kalakal na may kaugnayan sa init ng araw, sa apoy at sa modernong kumunikasyon ang magpapaunlad sa iyo na dapat mong simulan na ngayon. Sa pag-ibig, ngayong tag-araw yayain ang kasuyo na maligo sa tabing dagat. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Red at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ngumiti kang lagi at maging masaya, upang lalo pang suwertehin at maging maligaya. Sa pag-ibig tuloy ang agos ng ligaya at matamis na romansa sa pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 3, 15, 19, 24, 34, at 41. Pink at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Negosyong may kaugnayan sa butil ang magpapayaman. Ipatupad mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag maunlad ka na at maramig pera, kusa ka na ring liligaya at matutupad na ang pangarap mong maglakbay kung saan-saang lugar. Mapalad ang 5, 16, 23, 34, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna.” Red at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Pahalagahan ang pamilya! Ngayong mainit na pabago-bago ang panahon, paglaan ng budget ang leisure activities sa mga pasyalan. Mapalad ang 7, 16, 25, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Tama ang naisip mong mag-iba ng kapaligiran upang mahiyang naman. Baguhin na rin ang style ng buhok. Sa malawakang pagbabago, higit kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Green at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag nang asahang babalik pa ang nakaraan. Ituon ang isipan sa hinaharap. Makuntento sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa kuminikasyon at pagkain. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — May sopresang matatanggap. Sa pag-ibig, isa alang-alang ang kinabukasan ng pamilya upang wag magkamali ng pagpapasya. Sa pinansyal, malaking halaga ng salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 3, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala.” Red at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Tama ang ginagawa mo ngayon, sa sariling pagsisikap matutupad ang matagal mo nang pinapangarap na umasenso ng umasenso ang kabuhayan hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, sa isang paglalakbay may bagong relasyong mabubuo. Mapalad ang 1, 2, 19, 23, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Green at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kakaiba ang iyong enerhiya sa araw na ito! Imbis na sa walang kapararakang bagay gamitin, gamitin ang iyong lakas sa pagkakaperahan.. Sa pag-ibig may mainit na relasyon mabubuo hatid ng isang Gemini. Mapalad ang 1, 8, 28, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Ri-Gama-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi dapat magpa-impluwensiya sa gusto ng iba. Ipatupad ang sarili mong kagustuhan at siguradong ito ay mangyayari at magkakatotoo. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa minamahal. Sa pinansiyal, pagkakataon mo ng sumugal sa mga produktong may kaugnayan sa agrikultura at mga kalakal na pangunahing pangangailangan ng mga tao. Mapalad ang 5, 14, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Tanggapin ang alok ng isang kaibigan. Malaki ang maitutulong nya sa iyo. Sa pag-ibig, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tinitibok ng puso. Sa pinansyal, aangat ang graph ng pag-unlad habang patuloy na hindi maintindihan ang panahon. Mapalad ang 5, 8, 23, 36, 45 at 47. Mahiwag mong mantra: “Rama-Krishna-Om.” White at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa halip na puro plano ang gawin mas dapat ay maipatupad mo ito. Sa pinansyal simulan na agad ang anomang negosyong maiisip wag ng magpatumpik-tumpik pa. Sa pag-ibig, ngayong tag-araw na may kahalong kulimlim at maunalang panahon, mas mainam kung aayain ng mag-swimming ang kasuyo sa tabing dagat. Mapalad ang 3, 15, 25, 30, 42 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum”. Magenta at violet ang buenas.

Read more...