Vice binigyan ng surprise ‘Unkabogable’ b-day party


STAR-STUDDED ang surprise birthday party para kay Vice Ganda nitong nagdaang weekend na ginanap sa The Island, sa Bonifacio Global City.

Ilan sa mga nakisaya sa selebrasyon ng ika-42 kaarawan ng Phenomenal Box-office Star ay sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Vicki Belo, Hayden Kho, Jaya, Kyla, Angeline Quinto, Gary Valenciano and wife Angeli Pangilinan, Erik Santos, Karylle at Hashtag Ronnie Alonte.

Nagpasalamat si Vice sa lahat ng mga kaibigan niya in and out of showbiz na nakisaya sa kanyang party.

In fairness, talagang nagulat daw siya na may pa-surprise birthday celebration sa kanya ang kanyang mga kaibigan na palagi raw nandiyan para sa kanya.

Read more...