‘Haler! Walang niretoke sa katawan ni Maine!’

MULING  nang-agaw ng atensyon sa social media ang bagong sexy photo ni Maine Mendoza sa Instagram.

Kuha ang nasabing litrato sa isang beach resort kung saan nakasuot ng makulay na swimsuit ang Phenomenal Star. May caption ito na, “Water baby.” Alam naman ng lahat ng fans na adik talaga ang Dubsmash Queen sa dagat.

Marami siyempre ang nam-bash kay Meng, pero mas marami pa rin ang humanga sa kanyang summer bod.

Sabi ni @apostolmarilyn, “Wow sexy naman ng idol ko talong talo cla dahil wala cla ng ganyan body!”
Sagot naman ni @aldubforever16_@risah02 sa basher ni Maine, “FYI nagpapahinga lang sya spending time with her friends hindi sya nagpapasarap magkaiba yun!”

Pagtatanggol naman ni @jamorinmhilaga, “Kahit noong hindi pa siya artista mahilig na si Maine magpost ng naka swimsuit. Kasi may K naman siya ang ganda ng katawan hindi retokada! Basher talaga isip basura!!!”

Read more...