Retoke ni Korina iniintriga, ‘mahiwaga’ raw ang proseso


PINAGTATALUNAN ngayon kung sino ang doktor na tunay na nagpapayat nang husto at nagpamukhang bata sa matapang na news anchor na si Korina Sanchez. Nambulabog naman kasi talaga ang bagong itsura ni Ate Koring.

Mystical lift ang tawag ni Korina sa naganap sa kanya, mahiwaga raw ‘yun, thermage ang prosesong ginawa sa kanya ng Belo Group ng pamosong doktorang si Vicki Belo.

Pero may mga kumokontra, hindi raw ang sikat na doktora ang gumawa ng milagro sa itsura ni Korina, ibang doktor daw, ayaw na lang daw nitong magsalita at magpainterbyu dahil ayaw nito ng kontrobersiya.

Bakit daw kailangang angkinin ng Belo Group ang kredito samantalang iba naman ang nagpakahirap para pumayat si Korina at mas bumata ang kanyang itsura?

Pero ang Belo Group ang pinasasalamatan ng misis ni Kuyang Mar Roxas, siya ang may katawan, kaya siya ang nakakaalam kung kaninong mga kamay siya dumaan.

Siyempre’y si Dra. Vicki Belo ang mas pinaniniwalaan ng mga kababayan natin na nagbigay ng milagro kay Ate Koring, marami na rin kasing personalidad ang napapayat ng Belo Group, mabisa raw talaga ang thermage na pinipilahan sa klinika ni Dra. Vicki Belo.

Ang mahalaga ay ang resulta. Positibo ang nangyari kay Korina Sanchez. ‘Yun ang kinaiinggitan sa kanya ngayon ng mga kababayan nating may problema sa kanilang timbang.

Read more...