Du30: P2B ilalaan para sa mga apektado ng Boracay closure

 

TINIYAK ni Pangulong Duterte na inihahanda na ang P2 bilyong pondo bilang ayuda sa mga mahihirap na apektado ng anim na buwang pagsasara ng Boracay simula Abril 26.

“I’m going to sign the proclamation on calamity and we can make P2 billion in assistance but these is for the poor Filipinos. I will not spend for those hotel owners, and yung mga magagandang bahay, do not expect me to spend anything there,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati bago tumulak ng China.

Kasabay nito, itinanggi ni Duterte a inaprubahan niya ang pagtatayo ng casino sa Boracay sa kabila ng ipapatupad na pagsasara ng isla.

“Far from it actually. I never said building anything or even a nipa hut there. What I said is that island is owned by the government. In the meantime, there’s no plan. My order was to clean it up,” giit ni Duterte.

Nauna nang napaulat ang nakatakdang pagtatayo ng casino sa Boracay sa kabila naman ng isasagawang shutdown ng isla.

Read more...