Sarah haharapin ang pinakamatinding hamon sa showbiz career


MARAMI ang nagulat when Sarah Geronimo went inactive sa lahat ng kanyang social media account.

“Time off po muna. But I’ll be back po. Promise!”

That had her fans alarmed. They didn’t see it coming kasi nasanay na silang very active ang dalaga sa social media.

After three days, Sarah took it upon herself to explain her short hiatus sa social media.

“Sa lahat ng curious sa pagkawala ko these past few days, eto na po…I took a short break para mag-refresh — to get ready for one of the biggest events in my life. Talaga pong demanding sa oras at energy etong paghahanda ko sa concert.

“Pinakamalaking challenge ito sa career ko so I have to give it my all para sa lahat ng taong sumusuporta sa akin at naging parte ng buhay ko. Alam ko hindi ko ito kaya mag-isa. Kinakailangan ko po ng oras para makasama ang mga taong tulad ko na nagpupursigi para maging successful ang concert na ito.

“Iba po ang nagagawa pag personal mo silang nakakasama at nakikilala — at syempre ibang level of confidence din ang makikita niyo. We dedicate all these hard work sa lahat ng pamilya namin, sa mga taong malalapit at naging malapit sa amin, sa lahat ng mga taong naniniwala sa amin sa simula ng career ko, at syempre sa inyong lahat. I feel refreshed now. Ready na ba kayo? See you soon! #This15Me,” she said.

Busy pala si Sarah sa rehearsals niya for “SG: This 15 Me” concert scheduled on April 14 at the Big Dome with special guests, Mark Bautista, Billy Crawford, Xian Lim, James Reid at Daniel Padilla.

Akala kasi ng fans ng dalaga ay busy siya after her rumoured engagement with boyfriend Matteo Guidicelli. Nag-deny na si Matteo sa chikang secretly engaged na sila after nilang magbakasyon noong Holy Week sa Palawan.

Read more...