Pinay singer nabutata sa sinalihang contest dahil ‘akting na akting’

KUNG ang papel na ginagampanan ng mga artista sa pelikula at seryeng ginagawa nila ay nadadala nila hanggang sa kanilang bahay ay kakaiba naman ang kuwento tungkol sa isang female singer na magaling talagang mag-perform.

Palibhasa’y puro may hugot ang kanyang mga piyesa na halos umiiyak na siya habang kanta nang kanta ay naging ugali na niya ang pagiging sentimental sa entablado.

Namnam na namnam ng female singer ang kanta, kapag tungkol sa paglalambingan ang piyesa ay para na rin siyang umaarte sa harap ng mga camera, kaya nagkaproblema siya sa isang malaking labanan na nilahukan niya.

Kuwento ng aming source, “Sana, maisip niya na singer siya at hindi actress. Kung pag-aartista pala ang gusto niya talagang linyahan, e, di hindi na lang sana siya kumanta?

“Kasi, kapag tungkol sa love ang piyesang kinakanta niya, e, halos magdrama na siya sa stage! Talagang bigay na bigay ang acting niya!

“Ang nangyayari tuloy, mukhang boring na siyang panoorin, ang acting na kasi niya ang mas lumalamang, naiinip ang manonood sa kanya!

“E, acting pala ang gusto niya, hindi pa naman huli ang lahat, mag-iba na siya ng linya habang maaga pa. Go na agad, mag-workshop na siya, para mas effective ang ginagawa niyang onstage acting!” pagpansin ng aming source.

Sumobra raw ang na-ging reaksiyon ng magaling na female singer sa madalas sabihin ng kanyang mga tagasuporta na “She sings from the heart.”

“Totoo ‘yun! Kapag na-rinig mo na siyang kumanta, e, sa puso niya nanggagaling ang mga lyrics. Mula sa puso talaga ang pagkanta niya! Pero lately, e, sumosobra na ang pagkanta niya mula sa heart niya. Para na siyang nakikipagpalitan ng dialogue sa isang kaeksena niya.

“Ano tuloy ang nangyari? Ang ganda-ganda ng laban niya sa isang international competition, pero natigbak siya! ‘Yun din ang puna ng mga nakapanood sa mga huling performance niya, umaarte na siya habang sing nang sing!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakadaling tumbukin kung sino ang sentimental singer na ito! Kasi naman, kasi naman, kasi naman, ac-ting na acting, kaya naging boring na tuloy ang performance niya!” pagtatapos ng aming impormante.

 

Read more...