Boots Anson Roa pinasaya ang mahigit 100 miyembro ng Mowelfund


KUNG noong mga nakaraang taon ay laging kinakabahan ang mister ni Boots Anson-Rodrigo (she’s married to Atty. King) sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng Mowelfund ay may sumasalo na sa kanyang tensiyon.

Last month ay ipinagdiwang ng Mowelfund ang ika-44 na taon nito kung saan as usual ay si Tita Boots ang aligagang nangangalap ng mga donasyon para sa raffle.

Last year, walang nagawa si Atty. King but to part with their pricey painting as raffle prize. This year, ang “naharbatan” naman ng premyadong aktres ay ang kanyang anak na si Chiqui Roa na congresswoman na pala ng Antipolo.

Tulad ng inaasahan, umuwing may bag of grocery items ang may higit 100 kasapi ng Mowelfund, kabilang ang isang miyembro whose rare presence made a scene.

Si Babalina.

Read more...