Mga establisimyento sa Boracay nagsimula nang magtanggal ng mga empleyado

NAGSIMULA na ang mga establisimyento sa Boracay na magtanggal ng mga empleyado tatlong linggo bago ang nakatakdang anim na buwang pagsasara ng isla.

Umabot sa 280 empleyado ang sinibak ng isang hotel chain dahil sa tigil operasyon ng Boracay.

“We will decide later on our remaining employees,” sabi ng isang opisyal ng hotel na hindi na nagpabanggit ng pangalan.

Inaasahan ng mga negosyante na mas maraming establisimyento ang magtatanggal ng mga empleyado.

Pinauwi na ng isang maliit na inn na pag-aari ng isang pamilya sa Sitio Angol, Barangay Manoc-Manoc ang limang empleyado nito sa kani-kanilang bayan sa Aklan para sa pagsasara ng Borcay.

“We cannot pay for their salaries but we will continue remitting contributions for the Social Salary System, (Philippine Health Insurance Corp.) and PagIbig Fund,” sabi ng hotel manager.

Tatlong empleyado naman ng isang delicatessen ang tinanggal na rin.

“We have decided to keep them even if we are closed because they have been with us for many years and they have helped us build and developed our resort,” sabi ni Ruth Tirol-Jarantilla, may-ari ng Sea Wind Boracay resort.

Aabot sa 73,500 residente sa isla, kasama na ang 17,328 rehistradong empleyado at 9,365 hindi rehistradong manggagawa ang apektado ng pagsasara.

Read more...