Youngstar nakipagtalo sa gwardiya para malapitan ang idol na foreign artist

NAKAKALOKA ang tsikang napahiya (o ipinahiya) ang isang sumisikat na young actress na nagpumilit bumaba mula sa kanyang upuan para lang makita nang malapitan ang isang sikat na foreign concert artist na nag-show kamakailan sa bansa.

Ang kuwento, para nga makita nang malapitan ang sikat na performer ay walang keber na bumaba ang young actress from her assigned seat.

Nang harangin siya ng security at event marshalls, nag-name drop na ang youngstar ng kung sinu-sino, dahil walang epek ang pagpapakilala niya sa sarili.

Wala ring nagawa ang kanyang ka-loveteam (o dyowa na niya) na kasama niya sa concert kundi sabayan na lang ang trip ng dalaga.

Mabuti na lang at hindi nakunan ng video ang pag-e-emote ni young actress na English nang English habang nakikipagtalo sa mga guwardiya.

Read more...