UMUUSOK na naman sa galit ang AlDub fans nang lumabas sa social media ang foto nina Maine Mendoza at Juancho Trivino na magkasamang nanonood ng katatapos na concert ng foreign group na LANY (Los Angeles New York).
Galit ang fans dahil lagi raw nakabuntot si Juancho kay Meng. Sana raw ay maging sensitive naman ang aktor sa feelings ng mga fans ng AlDub.
Fresh pa rin kasi sa fans lalo na sa fans ni Alden Richards ang isyu sa kanila ni Juancho (dirty finger scandal). Pero no choice naman ang mga fans kung gustong isama ni Meng si Juancho sa ganitong okasyon, huh!
Samantala, nakasilip ng pag-asa ang ilang loyalists ng AlDub loveteam sa balitang magsusyuting sa bandang Norte sina Alden at Meng bilang paghahanda sa gagawin nilang bagong movie. Pero pahayag naman ng mga hindi pa rin naniniwala, “To see is to believe!”
Maraming bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng pelikula ngayon. Mahirap timplahin ang taste ng manonood at kung rom-com ang konsepto ng kanilang project.
Kailangang kakaiba ito sa naglabasan nang mga rom-com movies in the past dahil may sawa factor din ang moviegoers. Kaya feeling namin, natatagalan ang production sa paghahanap ng perfect material para sa follow-up movie nina Alden at Maine.
Chill lang, AlDub Nation at huwag mawalan ng tiwala sa mga taong namamahala sa career ng inyong mga idolo!