Maine siguradong mag-eenjoy kapag natuloy na ang shooting ng bagong pelikula nila ni Alden


DEDMA si Maine Mendoza kung black sand ang nilalakaran habang papunta sa beach matapos ang Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga na ginanap sa isang bayan sa La Union last Thursday.

Hindi rin niya alintana ang maraming taong nakatingin sa kanya habang naglalakad patungo sa dagat na nakasuot ng shorts at bra type na pang-itaas.

Certified beach lover ang Phenomenal Star kaya lumusong agad siya sa dagat kasama ang ilang staff ng Eat Bulaga.

From beach kasama ni Meng na nagbanlaw sa kalapit na swimming pool ang staff ng noontime show. Eh, siguradong sa pinaplanong bagong pelikula para sa kanila ni Alden Richards, magsasawa siya sa beach dahil kapag natuloy ang shooting nito ay sa bandang Norte raw ang location kung saan marami ring magagandang resort!

amantala, nagkagulo naman ang mga Pinoy sa New York City nang lumapag sa JFK International Airport ang eroplanong sinakyan nina Alden, Dingdong Dantes, Lovi Poe, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Betong Sumaya para sa kanilang Sikat Ka Kapuso show na gaganapin sa Toronto, Canada at New Jersey.

Matagal nang inaabangan ng mga kababayan natin sa Canada at Amerika ang mga pambatong Kapuso stars ng GMA Network kaya kitang-kita sa mainit nilang pagtanggap sa mga ito ang kanilang kasabikan.

q q q

Isinaalang-alang din ng komedyanang si Lovely Abella ang damdamin ng kanyang 10-taong-gulang na anak na babae bago siya pumayag maging cover ng April issue ng FHM Magazine.

Nagulat man ang father niya sa desisyon magpaseksi sa cover, naging rason niya na gusto niyang maging versatile na artista kaya sinubukan niyang pasukin ang iba’t ibang genre nang sa gayon eh magkaroon siya ng chance na ipakita ang lahat ng kanyang talent.

“Inunti-unti ko siya para hindi naman siya ma-shock. So ‘yung pinu-post ko sa social media, hindi naman malaswa. So nu’ng makita niya, ‘Wow, Mommy, nice!’ Ganoon lang siya.

“”Sigurado, dahil nakita niyang may panty pa ako rito! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Lovely nang ipa-interview siya ng manager na si Rams David sa ilang press at bloggers.

Magagandang komento naman daw ang natanggap niya nang maging cover.

“May mga bashers kung bakit sa edad ko ngayon, may anak na ako at saka nagku-cover ng ganyan, paano naman po, ngayon lang ito nai-offer? Kung dati pa po ito na-offer, palaban na ako di ba?

“Saka pag naoperan ka ng FHM, wow, kilala ka! Hindi naman sobrang kilala pero kahit paano, may nakikitang maganda sa ‘yo,” rason ng kikay na si Lovely.

Read more...