Kilalang aktres bumibili ng kaibigan, ginagamit ang pera para magpasikat


SA malaking umpukan sa showbiz ipinanganganak ang maraming kuwento tungkol sa kakuwanan ng maraming artista. Ang dami-daming chika, iba-iba ang tono ng kuwento, magsasawa ka talaga.

Pangsampung kolum ang magagawa mong blind item sa minsanang upuan lang, ang iba ay nakakaloka, ang karamihan ay nakakatawa. Tulad na lang ng istoryang matagal nang ikinakapit tungkol sa isang magandang female personality.

Siya ang itinuturong junior ng isang aktres-TV host na mahilig bumili ng kaibigan. Tama, namumuhunan talaga ang aktres, maluwag ang kanyang palad pagdating sa pangangailangan ng kanyang mga kasamahan.

Sabi ng isang source sa umpukan, “She buys friends.” Malakas kuno ang pang-amoy ng aktres at ng mga taong nakapaligid sa kanya para umentra sa isang senaryong magiging mabango ang kanyang name.

“Wala siyang maraming kaibigan, hindi kasi type ng mga katrabaho niya ang ugali ng babaeng ‘yun! Mataray kasi, saka walang sincerity ang pakikisama. So, konti lang talaga ang friends niya.

“Pero magaling siyang eksenadora. Inaamuyan niya kung saan siya makaka-enter the dragon para sa sarili niyang kapakanan. Parang may mga ahente kasi siya, ang mga taong ‘yun ang nagsasabi sa kanya kung sino ang nangangailangan ng help.

“Financially, siyempre, ‘yun lang naman ang pambala niya, e, dahil maraming may ayaw sa attitude niya. So, kapag may nangangailangan, enter agad siya sa situation.

“Give siya agad ng financial help, so, ang bangu-bango nga naman ng name niya, di ba? Hindi siya ang maglalabas ng details ng tulong na ibinigay niya, ibang tao ang gumagawa nu’n, kaya hindi puwedeng sabihin ng iba na mayabang siya.

“Tahimik lang siya, pero may mga taong close sa kanya na magpapakalat ng kagandahan ng loob niya, ganu’n ang kuwento. So, ang ganda-ganda nga naman ng kalooban niya, di ba?

“Aaaaaaaaawwww!!!! Alam n’yo na kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio. Maligaw pa kaya kayo?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Read more...