‘May nagawa bang kasalanan si Sofia Andres kaya tsinugi agad sa Bagani?’

SOFIA ANDRES

NABUHAY na naman ang mga lumang isyu tungkol kay Sofia Andres dahil sa pagkatsugi nito sa epic seryeng Bagani bilang si Mayari.

May mga nabasa kami na kaya raw pinatay na ang karakter ng aktres ay dahil sa pagiging pasaway nito at kung anu-ano pang intriga. Para sa kaalaman ng lahat ay hindi naging pasaway sa set ng Bagani si Sofia at marami ang makapagpapatunay na isa siyang professional artist.

Anyway, ang daming nagtanong sa amin kung bakit ang agang pinatay ni Sofia sa Bagani. Namaalam si Mayari sa Thursday episode ng serye nang tamaan siya ng kidlat ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Si Lakam (Matteo Guidicelli) na taga-Kalakal ang may kagagawan kung bakit nakawala si Sarimaw sa pagkakakulong dahil sa galit niya kay Lakas (Enrique Gil).

Sa mga comment ng followers ni Sofia sa Instagram, umaasa sila na sana’y may twist ang kuwento ng Bagani at muli nilang mapapanood ang dalaga sa serye. Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang fans.

Sabi ni @brian_supremo, “Hopefully twist lang ‘yung pagkamatay mo at muli kang bubuhayin ng mga sirena or ni kataw.”

Sey naman ni @ksjnphs, “Sana may twist!!! Bakit nman ganun @starcreativestv?”

Ayon naman kay @brylelorense07, “Milkeni milkeni doremi mabuhay ka sana.”

Sabi naman ni @Dutchmari, “Mayari bumalik ka please. @iamsofiaandres you are my favorite Bagani.”
@dutchmari@ polandzurita, “Me too si Mayari talaga ang favorite kong Bagani.”

Post naman ni @renielpulido, “Kulang na ang Bagani Hindi na kumpleto bakit agad kang pinatay e diba bida ka dun kasi lima kayo na Bagani.”

Wala pa kaming alam kung may bagong show si Sofia na pwedeng dahilan ng pagkawala niya sa Bagani, pero ayon sa nakausap naming source maraming offers sa aktres.

Read more...