COTABATO CITY – Limang bata ang iniulat na nasawi dahil sa diarrhea habang idineklara na rin ng mga health officials sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang outbreak ng water-borne disease sa tatlong barangay sa bayan ng Pata, Sulu.
Ayon kay Dr. Kadil Sinolinding, ARMM Health secretary, base sa report na natanggap nila mula sa Pata municipal health office, 44 katao, karamihan ay mga bata, ang apektado ng nasabing karamdaman.
Sinasabi na 27 pa ang kasalukuyang naka-confine sa Parang District Hospital sa Sulu.
“Contaminated source of water is the most probable cause,”pahayag ni Sinolinding.
Marso 27 unang naitala na may namatay na sa sakit.
MOST READ
LATEST STORIES