Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:53 ng umaga. Ang sentro ng lindol ay 42 kilometro sa silangan ng bayan ng Tarragona at may lalim na 27 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity IV sa Mati City. Intensity III sa Davao City, Cagayan de Oro City at General Santos City.
Intensity II naman sa Bislig City, Surigao City at Alabel, Sarangani.
May naramdaman ang mga instrumento ng Philvolcs na Intensity III sa Borongan, Eastern Samar. Intensity II sa General Santos City, Koronadal City, at Alabel.
Intensity I naman sa Bislig City, Kidapawan City, Talibon, Bohol, Palo Leyte at Cebu City.
Nagbabala ang Phivolcs na maaaring magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.
MOST READ
LATEST STORIES