Ika-6 PBA Best Player of the Conference nauwi ni June Mar Fajardo


TULAD ng inaasahan nakuha ni San Miguel Beermen center June Mar Fajardo ang kanyang ikaanim na Best Player of the Conference award matapos tanggapin ang nasabing parangal bago ang Game Four ng 2018 Philippine Cup best-of-seven championship series sa pagitan ng Beermen at Magnolia Hotshots Miyerkules ng gabi.

Nakalikom si Fajardo ng kabuuang 1279 puntos mula sa 468 statistical points, 551 mula sa boto ng media, 110 mula sa boto ng mga player at 150 mula sa PBA para mauwi ang kanyang ikalimang Philippine Cup Best Player of the Conference award.

Sinundan siya ng kakamping si Arwind Santos na may natipong 670 puntos (386 SPs, 229 media, 30 players at 25 PBA).

Tumapos sa ikatlong puwesto si Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar na may nalikom na 589 puntos (389 SPs, 105 media, 20 players at 75 PBA).

Nasa ikaapat at ikalimang puwesto naman sina Globalport Batang Pier guard Stanley Pringle (406) at Blackwater Elite center JP Erram (392).

Read more...