‘Wag nating husgahan si Liza nang dahil lang sa pagmumura! Hindi siya kriminal!’

LIZA SOBERANO

HINDI lang marahil sanay ang mga tao na kapag maganda at mukhang santa ang isang babae ay hindi na ito capable magmura o magsalita ng hindi maganda sa pandinig.

Iyan ang sapantaha namin kung bakit biglang naging big deal sa netizens ang sinasabing pagmumura raw ni Liza Soberano sa isang video greeting.

Napanood din namin ang naturang video at maririnig talaga ang mahinang pagmumura ng maganda at paborito naming aktres.

But then again, mas gusto naming alamin ang tunay na kuwento behind such cursing at kung sino man ang nag-upload noon. Posibleng nais lamang nitong gumawa ng ingay at sirain ang maganda at wholesome image ng aktres.

Simpleng bumabati ng “happy birthday” si Liza sa isang tao habang kinukunan ng video, nang out of the blue ay parang nag-react ito sa pangungulit ng isang nasa likod niya kaya posibleng nagulat or nakulitan na siya kaya siya nakapagmura.

Ayaw naming husgahan si Liza nang dahil lang sa kanyang pagmumura. Sino bang tao ang hindi nagmumura? At hindi siya kriminal para pagsalitaan ng masasama.

q q q

Ito namang former couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ayaw tumigil sa kanilang isyu.

Parang silang mga bagets na nakikiuso rin sa pag-a-unfollow sa social media.

Sana nga ay hindi lang ito gimik na gaya ng kanilang food chain endorsement na nambulaga na lang bigla after ng mga throwback photos ni Shawie kay Gabby, before the said TV ad na nag-viral pa.

Tapos, last two weeks back ay may mga emote na naman itong si Mega na kesyo sumuko na siya sa pag-asa na matutuloy pa ang reunion movie nila ng dating asawa.

Ang latest nga ay ang paghingi nito ng apology sa mga nasaktan sa mga maaanghang niyang post sa socmed.

Ang siste, naalarma ang marami na baka gimik na naman daw ito dahil tila nahihiya lang si Sharon umamin na hindi na talaga niya keri ang maging leading lady sa movie, kaya gawa na lang nang gawa ng isyu para mapag-usapan.

But then again, sa gitna ng lahat, tahimik lang ang kampo ni Gabby. Pero nalaman namin na may demand daw ang aktor na kailangan maging co-producer at maging kahati (as in 50/50) sa anumang kikitain ng balik-tambalan nila ni Sharon sa pelikula.

Yun nga lang, mukhang hindi ito kinagat ng mga taong nasa likod ng proyekto. Ang nais lamang daw nila ay ang siguruhin na magiging matagumpay ang pagbabalik ng ShaGab tandem sa big screen.

Ay, mukhang tama at may punto naman si Gabby, di ba? Ang lagay eh sila-sila lang ang gustong makinabang ng tagumpay?

Read more...