ANO kayang alindog program ang ginawa ni Jessy Mendiola at talagang napahanga niya ang marami sa kanyang latest bikini photo?
Nawala na kasi ang palaging-tinutukso sa kanyang pata sa kanyang latest photo. Talagang lumiit na ang kanyang hita. Her photo showed her whistle-bait and to-die-for bod.
Kung na-body shame si Jessy noon, tiyak na idiot na lang ang taong manglalait sa kanyang figure ngayon. Grabe, super sexy na talaga siya.
“Basta Para Sa akin Napakaganda ni Jessy at Bagay na Bagay Talaga Sila ni Luis.”
“Ang ganda at sexy ehh wala tayong magagawa move on nalang mga basher.”
“Pretty and sexy ever…ignore ur haters, dont worry lahat sila panget. hahahaha.”
q q q
This is JUST a post-Holy Week observation.
Nitong nakaraang Semana Santa ay rampa to death ang mga celebrities sa to-die-for destinations which only the rich and famous can afford to get to. Siyempre pa’y Instagram-friendly ang kanilang mga attire. Pabonggahan ng country of choice.
Well, okay lang naman ‘yon. Siyempre, ‘yun lang ang kanilang leisure time para makapagbakasyon nang mahaba-haba. That’s the time also to display their SARTORIAL taste.
What’s not nice is that some celebrities post kissing photos sa kanilang bansang pinuntahan. Imagine, Holy Week pero sandamakmak na yakapan and halikan pictures ang bubulaga sa social media ng ilang artista. What does it suggest? Where’s the essence of Holy Week?
Isn’t it embarrassing to see celebrity couples posting their kissing-in-the-streets photos?
Is that the new trend during Holy Week?