Matteo-Nico bromance pinagseselosan ni Sarah

NAGBIRO  si Matteo Guidicelli tungkol sa relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Nag-post kasi ang binata sa kanyang Instagram account ng litrato nila ng mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico habang nakasakay sa isang speedboat. Kuha ito noong birthday party niya sa Palawan (Holy Week break).

Isa nga sa mga naging bisita niya ay si Nico Bolzico na nakasama rin niya sa pag-i-scuva diving sa sa isang resort sa Palawan. Inamin ni Matteo na nagkaroon siya ng “sepanx” o separation anxiety matapos ang kanilang bakasyon, lalo na ang bonding moments nila ng asawa ni Solenn at iba pang kaibigan.

Caption ni Matteo sa IG photo nila ni Nico: “Whatsup bra @nicobolzico! I’m having some separation anxiety after our trip, I think my girlfriend is getting a little jealous. #BOLZICELLI!”

Maraming netizens ang nanukso sa dalawa at nagbiro pang isusumbong sila kina Sarah at Solenn.

Kasabay nito, mariin namang dinenay ng singer-actor-athlete na nag-propose na siya kay Sarah sa Palawan, “Wala pa, hindi pa naman. Twenty-eight na ako, I don’t know, we’ll see (kung kailan magpapakasal). I thought 28 was the best, but you know, in life, doors open, things change. We will see, life has always new things to offer, so let’s see what’s going to happen.”

Basta ang masasabi lang niya sa relasyon nila ng Pop Princess, “It’s growing. It’s beautiful evolution kumbaga. It’s not always up, there’s a lot of downs also but you know, things were working out, things were good.”

Read more...