KUMBAGA sa ilang stages that a person normally goes through after any misfortune, oo nga’t dumating din ang acceptance kay Sharon Cuneta—brought about by the cancellation of her reunion film with ex-husband Gabby Concepcion—pero may tendency siyang balik-balikan ang naunang phase.
Hindi man diretsong sinisisi ni Sharon si Gabby but she has turned to the actor’s supporters na siyang dahilan daw kung bakit urong-sulong ito na tanggapin ang pelikulang pagsasamahan nila.
In gutter language, “buraot” o miron ang tawag sa mga ito. Nothing more than mere spectators lang naman pero kung makapagdikta’y akala mo’y mas may alam pa more than the ones in the playing field.
Ilan sa mga bashers ni Sharon seem to have identities known to her. Sinumbatan pa nga niya ang mga ito for treating her such gayong pinakitunguhan naman daw niya ang mga ito nang maayos.
Subtly, sa tailend ng kanyang Instagram post ay hindi rin nakaligtas si Gabby, apparently brainwashed by these people who Sharon thinks can decide better for their idol.
Hindi na bago kung tutuusin ang latest post ni Sharon as she has expressed the same sentiments sa ‘di na mabilang na beses as far as anyone can remember.
q q q
Buong akala ng lahat—kabilang na kami—ay nagkaroon na ng closure ang kaso nila ni Gabby after they appeared in a TV commercial which, in fairness, gave their fans a beacon of hope na susunod na ang kanilang pagsasamang muli on the wide screen.
Or so Sharon thought herself.
Seemingly, na kay Gabby ang rason kung bakit such reunion movie has fizzled out. At nauunawaan namin ang sentimyento ni Sharon who was made to expect and to wait nang wala naman palang hinihintay.
Sa pagitan ng mga cryptic lines ni Sharon, she hinted that the project could have taken off the ground had they threshed out important matters.
Still, hindi tinukoy ni Sharon kung ano ang mahalagang bagay na ‘yon but she chose and still chooses to employ words na matalinhaga, and obviously, siya lang din yata ang nakakaalam.
While she has—akala namin—reached the stage of acceptance ay hindi pa rin pala.
Ang pangungusap dapat sana’y nagtapos na sa tuldok o tandang padamdam ay may “ellipses” pa pala (forgive us, wa namin knowing ang Tagalog nito).
The supposedly last phase goes back sa mas naunang yugto. Anger ba uli ang nararamdaman ni Sharon?
Mas madali kung kami ang magsasalita para kay Sharon, but that’s the way things can become a bit lighter sa kanyang pakiramdam.
But we’d still impose this bit of advice upon her.
Tanggapin na lang ni Sharon that working with Gabby—as they did in a TVC—isn’t beyond burgers and fries.
Hanggang du’n na lang siguro ‘yon, and not seeing their giggling fans enjoying their soda and salted popcorn inside the moviehouse.