KZ ipanglalaban ang ‘Anak’ sa wildcard round ng ‘Singer 2018’

KZ TANDINGAN

TULOY  ang laban ni KZ Tandingan sa pinakasikat na singing competition sa China, ang Singer 2018. Babalik ang Asia’s Soul Supreme sa stage ng Singer 2018 para sa “Breakout” round.

Kasabay nito, in-announce din ni KZ na ang kakantahin niya para sa nasabing wildcard round ay ang Mandarin version ng classic OPM song na “Anak” ni Freddie Aguilar. Simula pa lang ng contest ay palagi nang sinasabi ni KZ na pangarap niyang awitin ang “Anak” para sa Chinese audience.

Kapag nanalo siya sa “Breakout” episode ay maaaaring magkaroon uli siya ng chance na makabalik sa contest, ngunit hindi pa malinaw kung paano pipiliin ang magwawagi sa nasabing round.

Matatandaang na-eliminate si KZ sa Singer 2018 noong March 16 episode ng programa, dito kinanta niya ang “Royals” ng New Zealand singer na si Lorde. Huling napanood ang Pinay singer noong March 23 sa show kung saan inawit niya ang Mandarin version ng “See You Again” nina Wiz Khalifa at Charlie Puth, na mula sa pelikulang “Furious 7.”

Read more...