Bakit ako binigyan ng second life? Siguro may mission pa ako sa buhay! – Bianca


EMOSYONAL pa rin ang beauty queen-actress na si Bianca Manalo nang muling magkuwento tungkol sa kinasangkutang aksidente sa Antique nitong nakaraang Holy Week.

Nakabalik na ng Maynila si Bianca at idinetalye niya sa panayam ng ABS-CBN ang mga nangyari sa kanila ng boyfriend na mayor (Jonathan Tan) at ilang kaibigan nang tumaob ang sinasakyan nilang speedboat. Patungo raw sila noon sa Mararison Island mula sa Pandan, Antique nang maganap ang aksidente.

“I was trying to calm everyone down. Naging pacifier ako ng group. May takot sa puso but lagi akong nagdadasal. Sabi ko Lord save us, Lord save us. Please Lord, calm the waters. ‘Yun ang lumalabas sa bibig ko. Never akong sumigaw.

“Puro prayers and kapag natataranta na ang mga kasama ko, kinakalma ko sila. Sabi ko mas malulunod kami kapag nataranta,” panimula ng dalaga. Aniya, malaki raw ang naitulong ng training niya bilang dating flight attendant.

“Meron akong basic training so, ang una ko pong ginawa was hinubad ko ‘yung damit ko para hindi mabigat and kapit. Ang lakas ng waves, kapit. Bawat hampas po ng alon, sumisigaw ako sa group na kapit, walang bibitaw. Ganu’n lang po,” aniya.

Inamin ni Bianca, habang hinahampas sila ng malalakas na alon ay naisip na niya na wala na silang pag-asang mabuhay. “Yes, pumasok na ‘yun sa isip ko na baka hindi ko na makita ‘yung family ko. Lagi kong sinasabi na Lord kung ito na ‘yun, so be it. Basta hanggang sa dulo, nagpe-pray lang ako ng nagpe-pray. Hanggang sa dumating na yung rescue.”

Kung hindi raw nagdesisyong lumangoy patungong pampang ang kanyang boyfriend at ang isa pang kasama nito para humingi ng tulong ay baka hindi nga sila nakaligtas.

“Two and a half hours silang nag-swimming. Akala namin he will never make it. Iniisip ko baka mamaya naghihintay kami sa wala. Paano kung wala palang dadating na rescue?

“When I was in the ocean, I was praying pa na ‘Lord, if two or three are gathered in Your midst, You are with us.’ Ganun’ na ‘yung mga prayers ko. When I saw the rescue, I was crying nonstop. Lord, thank you. ‘Yun ang unforgettable, ‘yung pabalik na kami ng laot. Naisip ko, salamat Panginoon ko.”

Sabi pa ni Bianca, “Instead of saying na bakit ko ito pinagdaanan, ang iniisip ko, why do I deserve to be given a second chance to live. Siguro meron pa nga akong mission sa buhay, may purpose pa ako in life.”

Read more...