IKINATUWA ni Sen. Grace Poe ang pagdami ng mga tumatakbong tren ng Metro Rail Transit Line Line 3 (MRT-3) matapos umakyat sa 13 ang bilang ng mga bumibiyaheng tren.
“We commend the Department of Transportation for the maintenance and repair works on the MRT that gave us 13 running trains to date,” sabi ni Poe.
Idinagdag ni Poe na umaasa siya na maiaakyat pa ng Department of Transportation (DOTr) sa 20 ang mga tumatakbong tren.
“We hope this will be the start of the promised resurrection of MRT’s services and the reversal of its abysmal record of unfortunate events. We also hope this would alleviate the sufferings of the commuters who brave the long queues every day to get a ride, and often get off-loaded when the train encounters technical glitches,” dagdag ni Poe.
Kasabay nito, muling iginiit ni Poe ang kanyang panawagan para sa komprehensibong programa para sa rehabilitasyon ng MRT.
“We look forward to the DOTr’s promise to increase the running trains to 20, each having four-car configuration to transport more passengers at a faster pace,” ayon pa kay Poe.
Idinagdag ni Poe na bagamat matatagalan pa bago tuluyang mapaayos ang MRT sa bansa, mas maganda na ang 13 umaandar na tren kumpara sa dating pito hanggang walong tren.
“We will keep watch until we have a train system that is affordable, efficient, safe and comfortable, because the public deserves no less,” dagdag ni Poe.