Nakatuon ang imbestigasyon sa business manager ng simbahan na si Felina Salinas, na naaresto ng federal authorities noong isang buwan matapos ang alegasyon na tinangka niyang mag-smuggle ng $350,000 ng palabas ng U.S., ayon sa ulat ng Hawaii News Now. Naaresto si Salinas sa isang eroplano na inupahan ni Quiboloy.
Matapos ang pag-aresto kay Salinas, gumugol ng maraming araw ang opisina ng FBI Los Angeles kaugnay ng anggulong human trafficking, ayon pa sa source ng Hawaii News Now.
Noong 20015, naaresto si Salinas matapos umano’y atakihin ang kapwa miyembro ng simbahan, na nagsabing pinilit siya na mangalap ng pondo, na naayon sa anggulong human trafficking.
Iginiit naman ng abogado ni Salinas na walang merito ang alegasyon.
Base sa mga dokumento, sinabi ng biktima at dating miyembro ng simbahan na si Kristina Angeles na dumating siya sa Hawaii noong Oktubre 2014 gamit ang isang religious visa kung saan pinagbenta siya para sa simbahan.
“We’ve been slapped or yelled at. The last time, I … received punches over my arms and legs,” sabi ni Angeles.
Tumakas si Angeles noong 2015.
MOST READ
LATEST STORIES