Bagay sa kurso | Bandera

Bagay sa kurso

Joseph Greenfield - June 26, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Nenita ng Barangay Dumagoc, Pagadian City

Dear Sir Greenfield,

Dalawang taon na po akong graduate sa kursong BSEEd pero hanggang ngayon wala pa rin akong maayos at magandang trabaho. Maraming opisina na ang inaplayan ko pero hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatawagan. Kaya na-obliga tuloy akong mag-trabaho sa kung saan-saan na hindi bagay sa kurso ko, pero ang masakit laging contractual lang ang napapasukan ko. Kailan kaya ako makahahanap ng matinong trabaho na mare-regular ako? Gustung-gusto ko na kasing magkaroon ng matino at magandang trabaho, na angkop sa aking pinag-aralan. Nahihiya na ako sa mga magulang ko na hingi ako nang hingi ng pera, hindi ko man lang sila nabibigyan ng suweldo. May 23, 1990 ang birthday ko. Wala pa rin akong boyfriend, kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?

Umaasa, Nenita ng Barangay Dumagoc, Pagadian City

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Maganda naman at tuwid ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit pasundot-sundot lang ang iyong trabaho o hindi regular, halos hindi ka naman nawawalan ng income. Gayunpaman, ‘wag kang mainip, dahil hindi matatapos ang taon ito ng 2013, magkakaroon ka na ng trabaho na related sa course mo.

Cartomancy:

Jack of Hearts, Queen of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng lalaking kasing edad mo, sa ika-siyam na buwan, sa isang kilalang kompanya na may kaugnayan sa pagkain, mapapasok ka na at magkakaroon ng regular na trabaho.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending