Horoscope, April 03, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Magtutuloy-tuloy na ang magandang kapalaran lalo na sa pag-ibig at materyal na bagay. Basta’t ang mahalaga sa panahong ito ng tag-araw lagi kang magsuot ng kulay na red at laging amoy bagong paligo. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Bukod sa red buenas din ang violet.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa panahon ngayon, makakabayad ka rin sa mga pagkakautang sa tulong ng mga kaibigan. Sa pag-ibig yayain ang kasuyo sa isang swimming sa tabing-dagat upang muling uminit ang inyong relasyon. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Upang suwertehin sa pag-ibig at materyal na bagay, sa laging mag paganda, kapag nagpapaganda ang isang Taurus, maraming magagadang bagay ang talaga namang dumaraing sa kanyang kapalaran. Mapalad ang 7, 18, 29, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Yophiel”. Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Bilis ang susi ang upang magtagumpay. Madaliin ang lahat ng ginagawa lalo na sa pag-ibig at sa pagkakaperahan. Sa ganyang paraan madali at mabilis ka ring mananaig at magtatagumpay. Mapalad ang 5, 14, 32, 34, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ngayon pa lang mamili ka na ng mga gamit para sa nalalapit na pasukan. Sa ganyang paraan, hindi ka gagahulin sa oras at mas makakatipid ka pa. Sa pag-ibig, sa maagang pagsha-shopping wag kalilimutang ibili ang kasuyo ng kulay green na t-shirt. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Apple green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Isang Aries ang magdadala ng bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, isang Sagittarius ang kikiliti sa iyong damdamin, bago at nakakikilig na relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 3, 12, 15, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 8, 10, 28, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Kapor-Om.” Yellow at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa panahong ito ng ito na magulo ang panahon, alangaing aaraw, alanganing uulan, wag kukupad-kupad, upang hindi ka maunahan ng iyong mga ka-kumpetensya. Kapag may nag-alok ng anupamang pagkakakitaan, sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, sa isang political gathering mami-meet mo na ang iyong true love. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Lilac at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Iwasang mag-mayabang sa kasuyo na gawin ang mga bagay na hindi mo naman kaya, relaks lang sa romansa. Sa pinansyal hindi rin dapat gumastos ng malaking halaga para lamang makasama ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong wag na lang umangal, sa halip tanggap lang ng tanggap ang dapat. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo na sa panahon ngayon mas mahalaga pa rin ang salapi kaysa sa prinsipyo. Mapalad ang 2, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa panahong ito ng tag-araw, isang isinilang sa buwan ng Hunyo ang iyong makikilala, kung ikaw ay binata o dalaga pa, ikaw na ang gumawa ng paraan, upang lubusang mabuo ang isang matimyas at wagas na relasyon. Sa pinansyal, tuloy-tuloy ang dating ng maraming pera. Mapalad ang 3, 12, 18, 27, 38, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Elohim-Adonai-Shaddai.” Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Makunteto sa kasalukuyang kalagayan! Wag mag-hangad ng kung ano-ano. Alalahaning higit na masaya ang buhay ng simpleng pamilya, kaysa sa ubod ng yaman. Sa pag-ibig, wag nang mag-isip na palitan ang kasuyo, okey na siya kaysa sa wala. Mapalad ang 6, 9, 18, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi mauubos ang salapi, matuto kang mamigay! Ngayong panahon ng tag-araw, uwian ang kasuyo ng pagkaing matamis, malamig at madaling matunaw. Sa pinansyal, habang namimigay, tuloy ang pasok ng maraming pera. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha.” Brown at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Muling patatagin ang gumegewang na relasyon! Balikan ang mga lugar na una nyong pinag-deytan. Sa pinansiyal, tandaang higit na mas mahalaga ang isang tunay, wagas at tapat na pag-ibig kaysa sa limpak-limpak na salapi. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Old rose at green ang buenas.

Read more...