Sue Ramirez pinainit ang socmed


ISA pang agaw-eksena sa social media ngayon ay ang Kapamilya singer-actress na si Sue Ramirez. Ito’y matapos mag-post ang dalaga ng kanyang bikini photo sa Instagram na kuha sa isang talahiban.

Kagagaling lang ni Sue sa isang resort sa San Felipe, Zambales City kung saan siya nagbakasyon nitong nakaraang Holy Week kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan.

Ipinost ng dalaga ang kanyang sexy photo sa IG nitong nakaraang Easter Sunday pero kahapon lang ito naging mainit na topic sa social media. Sa huli naming pagsilip sa sa kanyang IG account, nakakuha na ng mahigit 360,000 likes ang kanyang litrato, kabilang na ang kanyang kapwa Kapamilya stars na sina Liza Soberano, Julia Barretto, at MJ Lastimosa.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa super hot bikini photo ni Sue.

“Grabe ka sue! Pag naging artista ako liligawan kita! – @kevinjoshua.inc

“Youre so sexy talaga Sue!” – @nurin_95Eee

“Babe, uwi ka na, ‘di na ako galit!” – @william_cyruss

“Grabe ang hot!!! Hahahahahahaha!” – chincriss@rona.gutierrez

“Sunog na Yong mga dahon dahil Sa subrang hot Mo @sueannadoodles!” – @shadorna08

Read more...