Confirmed: Kim Bum, Yeon Seo nagde-date na

KINUMPIRMA rin ng kani-kanilang manager na nagde-date na rin ang isa sa mga bida ng Korean hit na Boys Over Flowers na si Kim Bum at ang leading lady ng “My Sassy Girl 2017” na si Oh Yeon Seo matapos naman silang maispatan na magkasama.

Ayon sa ulat, naging malapit sa isa’t isa sina Kim Bum at Yeon Seo matapos magkita sa isang event.

Sinabi pa ng isang source mula sa Celltrion Entertainment na nagkita sina Yeon Seo at Kim Bum matapos magtapos ang Korean drama ng una ba A Korean Odyssey nitong unang bahagi ng Marso kung saan nakasama niya ang isa pang Korean superstar na si Lee Seung Gi.

Kinumpirma rin ito ng agency ni Kim Bum na Starship Entertainment sa pagsasabing nasa unang bahagi sila ng kanilang relasyon.

Matatandaang bukod sa Boys Over Flowers, nakasama rin si Kim Bum sa That Winter The Win Blows at Padam Padam.

Samantala, kabilang naman sa mga pelikula ni Yeon Seo ay ang “Cheese in the Trap” kung saan nakasama niya si Park Hae Jin at Korean drama na Come Back Mister opposite Korean singer-actor na si Rain.

Read more...