Nangyari sa anak ni Karen Davila sa Siargao dapat magsilbing wake-up call-Andanar

SINABI ng Palasyo na dapat magsilbing wake-up call ang nangyaring aksidente sa anak ng anchor na si Karen Davila sa Siargao nitong Holy Week.
“We are sorry to learn about the unfortunate incident that happened to DJ and Karen’s son, David,” sabi ni Communications Secretary Martin Andanar.
Ito’y matapos maaksidente ang anak ni Karen habang nagse-surfing kasama ang isang inupahang guide sa Siargao.
“Let this serve as a wake up call to national and local government that the safety of all tourists is of paramount importance,” ayon pa kay Andanar.
Nagtamo ng mga sugat si David.  Idinaan naman ni Davila sa social media ang pagbatikos kabiguan ng pamunuan ng beach at ng lokal na pamahalaan para mabigyan ng agarang atensyon ang sinapit ng anak.
“Qualified medical personnel and life saving equipment must always be present and ready, especially in places where adventure sports are main attractions such as wind and board surfing in Siargao,” sabi pa ni Andanar.

Read more...