Alden achieve na achieve ang ‘borta body’, pa-yummy sa mirror selfie

 

KONTING kembot na lang at maa-achieve na ni Alden Richards ang “borta” na katawan.

Nanggulat kasi ang Pambansang Bae nang i-post niya sa kanyang Intagram ang hubad na katawan na never pa niyang ginawa sa mga nakaraang IG pics niya. Saad niya sa caption, “Almost…!”

Natuwa naman ang ilang followers ng Kapuso actor dahil balik-alindog ang kanilang idolo at itinapon na ang tinatawag nilang “dad bod”, huh!

Walang sinabi si Alden kung ano ang rason ng pagpapalaki niya ng katawan. May mga naglabasan kasing tsismis na sinabihan daw siya ng GMA Artist Center na magpalaki ng katawan para sa next series niya.

Once gumanda na ang katawan, kaya nang makipagsabayan ni Alden sa mga Kapuso hunks na sina Derrick Monasterio, Jak Roberto at Ruru Madrid, huh!

Anyway, nasa bahay lang si Alden ngayong Easter Sunday kasama ang buong pamilya. Sa April 7 and 8, may shows siya sa Toronto, Canada at New Jersey.

q q q

Isa ang Sirkus star na si Klea Pineda sa mga artistang nagtapos ng Grade 12. Blessing para sa Kapuso star ang achievement niyang ito lalo na’t very proud din ang kanyang pamilya sa kanya.

Hindi madali para sa dalaga ang pagsabayin ang showbiz at pag-aaral. Buti na lang at magaling siya sa time management kaya nakapagtapos pa rin siya.

Malapit na ring magwakas ang kanilang weekly series na Sirkus kaya mas hahaba ang oras ni Klea bara bigyan niya ng panahon ang pag-aaral.

Read more...